Patakaran hinggil sa Pagkapribado
Ang San Diego Gas and Electric (“SDG&E”) ay nangangakong patuloy naming ipagbibigay-alam ang aming mga bisita tungkol sa kung paano namin ginagamit ang impormasyong iniipon namin sa aming web site sa www.sdge.com (ang “web site”). Sa pamamagitan ng paggamit ng aming web site, pagbili ng anumang produkto o paggamit ng anumang impormasyon sa aming web site, kayo ay sumasang-ayon sa pag-ipon at paggamit ng impormasyon gaya ng inilalahad sa patakaran na ito. Kung hindi kayo sumasang-ayon sa patakaran na ito, mangyaring huwag ninyong gamitin ang web site.
Alamin ninyo na ang ibang mga sityo na maaari ninyong puntahan sa pamamagitan ng web site ng SDG&E ay mayroong sariling patakaran hinggil sa pagkapribado, gayundin mga sariling kaugalian sa pag-ipon, paggamit at pagbunyag ng impormasyon. Ang mga kaugalian sa pamamahala ng impormasyon ng mga sityong naka-link sa web site ng SDG&E ay hindi sakop nitong patakaran hinggil sa pagkapribado.
Impormasyong Iniipon Namin at Paano Namin Ginagamit Ito
Upang mas mahusay naming mabigyan kayo ng mga produkto at serbisyo, ang web site ng SDG&E ay nangongolekta ng dalawang uri ng impormasyon: Personal na Impormasyon at Impormasyong Hindi Personal.
Personal na Impormasyon: Ang tinutukoy ng “Personal na Impormasyon” ay ang impormasyong nagbibigay ng mga detalye tungkol sa kung sino kayo at maaring gamitin upang kilalanin, kontakin o hanapin kayo. Maari ninyong hindi ibigay ang anumang Personal na Impormasyon ninyo at maaari pa rin ninyong puntahan ang karamihan sa mga bahagi ng web site. Subalit maaaring mag-ipon ng Personal na Impormasyon mula sa mga bisitang gustong gumamit ng mga serbisyong inaalok ng SDG&E sa web site na ito, gaya ng:
- Pagtala sa at paggamit ng My Account upang magbayad ng mga singil;
- Mga application (kahilingan) tungkol sa posibleng trabaho;
- Pagtala sa CARE o ibang mga customer assistance program (programang nagbibigay ng tulong sa mga mamimili);
- Mga application upang lumahok sa mahusay na paggamit ng enerhiya (energy efficiency program, rebates at incentives (mga diskuwento at pang-udyok); at
- Kahilingan upang masama sa mga mailing, email, texting, landline telephone, o cellular telephone list ng SDG&E, gaya ng maaaring panaka-nakang nakalarawan nang madetalye sa web site na ito. Karagdagan, ang mga online na pakikipag-ugnayan hinggil sa mga utility services (mga serbisyo ng palingkurang-bayan) ay maaring mangailangan ng mga karagdagang pakikipag-ugnay (gaya ng email, mga text, at mga “call back” sa telepono) at mga tugon hinggil sa mga serbisyong gagamitin – kabilang ang mga pagsingil at pagbayad.
Kabilang sa mga halimbawa ng Personal na Impormasyon na maari ninyong ibigay ay ang inyong pangalan, kung saan kayo tumatanggap ng mga sulat, telepono, mobile phone number, email address at iba pang impormasyon sa pagkikilanlan at pakikipag-ugnayan. Maaari din kaming mag-ipon ng tiyak na financial account information (kung pipiliin ninyong ibigay ito), gayundin mga ibang tipo ng impormasyon na maaaring ibinigay ninyo sa inyong mga employment application. Kung sakaling mag-apply kayo para sa CARE program, maaari din kayong hilinging ihayag ang inyong pagtala sa ibang mga programa ng pamahalaan (gaya ng food stamps/SNAP, Supplemental Security Income, at ng National School Lunch Program).
Ginagamit ng SDG&E itong Personal na Impormasyon upang magbigay ng mga serbisyo, pamahalaan ang negosyo, at pabutihin ang paggamit ng aming webiste ng mga bisita nito.
Impormasyong Hindi Personal: Tinutukoy ng “Impormasyon na Hindi Personal” ang impormasyong hindi kumikilala sa isang tiyak na tao, maging nag-iisa ito o sinama sa ibang Impormasyong Hindi Personal. Ang SDG&E ay maaring mag-ipon ng Impormasyong Hindi Personal sa pamamagitan ng paggamit ng mga cookies, clear GIFs, o sa pamamagitan ng pangolekta ng traffic data.
Cookies: Maaring magpadala ang webiste ng SDG&E ng mga cookies sa inyong computer o ibang pang-gamit upang ma-obserbahan namin ang inyong paggamit ng aming web site. Hindi naming sinusubukang kilalanin ang bawat taong gumagamit ng web site maliban kung may mga ginawa ang tao upang makilala siya sa pamamagitan ng pag-“opt-in”, halimbawa:
- Humiling ng mga serbisyo para sa kanya lamang;
- Nag-apply upang makakuha ng posibleng trabaho;
- Humiling na masama sa isang mailing list ng SDG&E;
- Naghihinala na may nag-aasal nang labag sa batas o may gumagawa nang walang kinakailangang pahintulot; o
- Inaatas ng batas na makilala ang gumagamit ng web site.
Gumagamit kami ng mga cookies upang mapakinabangan nang higit ang aming web site ng mga bisita nito.
Clear GIFs: Paminsan-minsan, kami ay nakikipagtulungan sa mga third-party service provider (mga ikatlong partido na naglalahad ng serbisyo) na gumagamit ng clear GIFs (alam din bilang pixel tags, single pixel GIFs, web beacons o action tags). Ang mga clear GIFs ay maliliit na graphics na may unique identifier (di-katulad na katangian na kumikilala nito), na ang ginagawa ay gaya ng ginagawa ng mga cookies, na ginagamit upang masubaybayan ang mga ginagawa ng mga gumagamit ng aming web site habang sila ay online. Ginagamit din namin ang clear GIFs sa pag-ipon at pangolekta ng impormasyon upang mas mahusay naming mai-customize ang aming mga serbisyo sa inyo. Kasama ng nabigay nang Personal na Impormasyon, sa pamamagitan ng clear GIFs, maaring makilala ang bawat taong gumagamit ng web site
Traffic Data: Kusang iniipon at pinamamahalaan ng SDG&E ang impormasyon para sa estadistika mula sa data logs ng aming web site hinggil sa mga nangyayari sa web site, navigation, network traffic flow, at volume (“Traffic Data”). Kabilang sa mga halimbawa ng Traffic Data ang mga sumusunod:
- Pangalan ng domain, o URL, kung saan nagmula ang bisita noong pumasok sila sa Internet (halimbawa, "isang company.com"; “isang school.edu"; o “isang agency.gov");
- Numero ng Internet Protocol (“IP”);
- Tipo ng web browser na ginamit niya;
- Mga web page na pinuntahan niya; at
- Petsa at oras noong pinuntahan niya ang web site.
Ang aming pangunahing layunin sa pag-ipon ng Traffic Data ay gawing lubos na kapaki-pakinabang ang aming web site sa mga bisita nito. Nakakatulong din ang Traffic Data sa amin sa pagpapabuti ng paggamit ng aming web site ng mga gumagamit nito. Kasama ng nabigay nang Personal na Impormasyon, maaring kilalanin ng Traffic Data ang bawat bisita ng web site.
Ang Pagbunyag ng Inyong Impormasyon sa mga Ikatlong Partido
Kung hindi ninyo naibigay ang inyong pahintulot, hindi ibubunyag ng SDG&E ang inyong Personal na Impormasyon sa mga ikatlong partido upang magamit nila ito sa kanilang pangangalakal maliban sa maaaring ibunyag ng SDG&E ang inyong Personal na Impormasyon sa mga ikatlong partido, kabilang ang mga kasaping kompaniya (alinsunod sa mga angkop na batas at pamamalakad) o ibang mga pinagkakatiwalaang negosyo upang lamang mabigay nila ang mga serbisyo sa ngalan ng SDG&E kaugnay sa mga sariling layunin ng SDG&E sa pangangalakal (sakop ng mga katungkulan sa pagpapairal ng kompidensiyalidad at seguridad).
Pagpatutupad ng Batas: Maaring isiwalat ng SDG&E ang Personal na Impormasyon kung tunay naming ipinapalagay, nang walang layuning magdaya, na itong pagsiwalat ay kinakailangan upang tumalima sa mga angkop na batas o upang tumugon sa mga subpoena o warrant (orden o mandamyento) na ipinadala sa amin upang maingatan o maipagtanggol ang mga karapatan, ari-arian, o kaligtasan ng mga gumagamit ng aming website, ng mga ibang tao, o namin. Maaaring hilingin ng mga tagatupad ng batas o ng mga maykapangyarihan sa hukuman na magbigay ng Personal na Impormasyon ang SDG&E sa angkop na maykapangyarihan sa pamahalaan. Ibubunyag namin ang Personal na Impormasyon kapag natanggap namin ang orden ng korte o subpoena o upang magbigay ng tulong sa imbestigasyon ng mga tagatupad ng batas. Lubos na tinutulungan ng SDG&E ang mga ahensiya sa pagtupad ng batas sa pagkilala ng mga taong gumagamit ng aming mga serbisyo para sa mga bawal na gawain. Inirereserba ng SDG&E ang karapatan nitong iulat sa mga ahensiya ng pagtupad ng batas ang anumang mga gawain na tunay naming ipinapalagay na lumalabag sa batas.
Pagsama at Pagsailalim: Kung sakaling masama, sumailalim, mabenta o malipat ang lahat o sa kabuuan lahat ng mga ari-arian o negosyo ng SDG&E, ang isa sa mga ari-arian na sa kalahatan ay malilipat ay ang impormasyong iniipon namin mula sa mga bisita ng aming website at mula sa aming mga mamimili (kabilang ang Personal na Impormasyon at Impormasyong Hindi Personal). Subalit, and paggamit nitong impormasyon ng anumang kapalit na entidad ay pamamahalaan pa rin alinsunod sa mga tadhana ng patakaran na ito, na manaka-nakang iibahin, kabilang ang anumang pagbabago pagkatapos ng ganyang transaksiyon.
Mga Gawi sa Pagpapairal ng Seguridad ng Impormasyon
Gumagamit ng mga makatwirang paraan sa paghadlang ang SDG&E upang hindi makuha, maiba o masira ng mga ikatlong partido ang impormasyong ibinigay sa SDG&E sa pamamagitan nitong web site. Kabilang sa mga pagsisikap na ito ang pagsubaybay ng mga gawain sa network upang makilala ang mga di-napahintulutang pagsubok na mag-upload o magbago ng impormasyon at sa ilang mga situwasyon ang paglagay sa codigo ng sensitibong impormasyon sa pamamagitan ng Secure Socket Layers (“SSL”) o ibang bagay na teknolohiya. May pagsubaybay din na ang layunin ay humadlang sa anumang ilegal na gawain, o gawain na maaaring magresulta sa legal na pananagutan o kapinsalaan ng SDG&E. Ang SDG&E ay nangangakong paiiralin ang seguridad ng web site at patuloy na tatalima sa batas nang sa gayon ang serbisyo ay patuloy na magagamit ng lahat ng mga bisita ng web site.
Kahit gumagamit ng mga makatwirang paraan ang SDG&E upang hindi makuha ng mga di-napahintulutang ikatlong partido ang Personal na Impormasyong ibinigay sa SDG&E sa web site na ito, ang impormasyon ay maaari pa ring maharang o makuha ng ikatlong partido.
Mga Bata
Hindi sadyang nag-iipon ng Personal na Impormasyon ang SDG&E mula sa mga batang hindi pa 13 taong gulang. Karagdagan, wala kaming alam na bagay sa aming web site na maituturing na makasasama sa mga bata. Kung mabatid ng SDG&E na di-sadya kaming nakaipon ng Personal na Impormasyon mula sa mga batang hindi pa 13 taong gulang, buburahin namin ang impormasyong gayon mula sa aming mga talaan at aming isasara ang angkop na account.
Mga Link
Itong web site ay maaaring magbigay ng mga link papunta sa ibat ibang website o materyales ng pamahalaan, mga kaanib sa industriya at iba pang ikatlong partido. Tanging ibinibigay itong mga links upang maglahad ng impormasyon. Hindi inaaprobahan ng SDG&E ang anumang payo, kalakal o serbisyong inaalok ng mga ikatlong partido. Sa abot na ang mga materyales ng ikatlong partido ay nagsasaad ng mga katotohanan, rekomendasyon, o anumang ibang paliwanag o payo, ang ikatlong partido ay ang tanging mananagot para sa mga nilalaman ng kanilang web site, at ang SDG&E ay walang sinasabing anuman hinggil sa katumpakan, kaganapan o kaangkupan para sa anumang layunin o paggamit nito. Karagdagan, hindi nasiyasat ng SDG&E ang mga patakaran sa pagkapribado na angkop sa mga web site ng ikatlong partido o ang mga materyales ng iba na ipinapakita lamang nito, o natiyak kung ano ang gagawin ng gayong mga partido hinggil sa pagkapribado ng mga bisita sa kanilang website. Kaya dapat ninyong pag-aralan nang mahusay ang mga patakaran sa pagkapribado ng web site ng anumang mga ikatlong partido na maaari ninyong puntahan mula sa anumang web site ng SDG&E. Hindi sa anumang pangyayari mananagot ang SDG&E para sa anumang nasa web site, mga patakaran o mga kilos ng anumang ikatlong partido. Hinihikayat kayo ng SDG&E na magtanong at lubos na mag-ingat bago ninyo ibigay sa mga ikatlong partido ang inyong Personal na Impormasyon.
Mga Pagbabago sa Patakaran Hinggil sa Pagkapribado na Ito
(huling isinapanahon Hulyo 1, 2011)
Inirereserba ng SDG&E ang karapatan nitong palitan, ibahin, o isapanahon kahit kailan at nang walang paunawa itong Patakaran sa Pagkapribado sa pamamagitan ng paglagay ng isang binagong patakaran sa website na ito. Anumang binagong Patakaran sa Pagkapribado ay magkakabisa sa sandaling mapaskil ito. Subalit ang petsa ng pagbabago ay ipapahayag tuwing babaguhin itong patakaran.
Pagkakaila
Ang SDG&E ay hindi mananagot kung sakaling ang anumang password na ibinigay sa isang gumagamit ng web site ay makuha ng isang ikatlong partido o para sa anumang gawain na may kaugnayan sa web site na ito. Kung sa palagay ng isang gumagamit ng web site ang anumang password ay nakuha ng ikatlong partido nang walang pahintulot, o kung ang bisita ay may ibang pagkabahala hinggil sa pagkapribado, ang gumagamit ng web site ay dapat makipag-ugnay kaagad sa SDG&E upang mapalitan ang password o makagawa ng ibang angkop na hakbang. Ipadala itong paunawa sa [email protected].
Mga Katanungan o Puna
Kung mayroon kayong anumang katanungan o puna tungkol sa (a) Patakaran sa Pagkapribado ng aming web site (b) anumang ibang katanungan tungkol sa web site, SDG&E o sa mga serbisyo nito, mangyaring kontakin ang SDG&E sa pamamagitan ng email sa [email protected], o tawagan sa (800) 411-7343, o sa pamamagitan ng regular na koreo sa:
San Diego Gas & Electric
Attn: Privacy Policy
8330 Century Park Court
San Diego, CA 92123-1538
Subalit mangyaring punain na ang impormasyon hinggil sa inyong mga pakikipag-ugnay at ang inyong mga sulat sa SDG&E ay maaaring salansanin sa inyong pangalan.
Maybisa Hulyo 1, 2011